Advertisers
ILOCOS SUR – Tigok ang isang barangay kagawad nang sumalpok sa concrete fence ang minamanehong motorsiklo sa Brgy. Cabittaogan, Sta. Catalina, Ilocos Sur, Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ng Sta. Catalina Municipal Police Station ang biktima na si Ruselle Ragasa y Rafanan, 47, walang asawa, residente at barangay kagawad ng naturang lugar.
Sa imbestigasyon, papuntang timog na direksyon ang Yamaha CB100 motorcycle na minamaneho ng biktima.
Nabatid na pagdating nito sa lugar, bumangga ang motorsiklo sa concrete fence.
Ang biktima na nagtamo ng head injury agad na isinugod sa Metro Vigan Coop Hospital sa Bantay, Ilocos Sur ng mga rumespondeng personnel ng RHU at Sta. Catalina MPS.
Gayunman, idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor ang biktima.