Advertisers

Advertisers

Titser pumalag sa rape, patay!

0 280

Advertisers

CLAVERIA, Masbate – Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang dalagang guro nang paghahatawin ng matigas na bagay nang manlaban habang tinatangkang gahasain ng isang lalaki sa loob ng inuupahang kuwarto sa Sitio Bodega, Brgy. Pasig, Masbate, nitong “World ­Teachers Day”, Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Jessica Belches Mangubat, 24 anyos, residente ng Brgy. Manapao, Claveria, guro ng San Ramon Institute. At ang salarin kinilalang si Alvin Errero Yanzon, 30 anyos, binata, construction worker at residente ng Purok-2, Brgy. Pasig ng naturang bayan.

Sa ulat, duguan at basag ang ulo ng biktima nang matagpuan ng kanyang kapwa guro.



Agad namang naaresto sa hot pursuit operation ng pulisya ang salarin.

Sa ulat, 10:00 ng umaga, pinasyalan ng kanyang kapwa guro na si Marlon Basangan Rom ang biktima pero nagulat siya nang makitang patay at duguan na ang biktima sa loob ng inuupahang kuwarto nito sa bahay na pag-aari ng isang Luis Ramirez.

Natagpuan pa sa lugar ang isang duguang puting t-shirt at 14 inches na “wooden axe handle” na may dugo.

Sa imbestigasyon ng mga rumespondeng pulis at sa tulong ng mga testigo, natukoy si Yanzon na siyang pumasok sa kuwarto ng biktima.

Pinaniniwalaang sinubukan nitong gahasain ang guro pero nang pumalag, pinaghahataw ng maso sa ulo na sanhi ng kanyang pagkasawi.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">