Advertisers
IGINIIT ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa Department of Budget and Management (DBM) na simulang pag-aralan na ang rightsizing ng gobyerno.
Sa ilalim ng ‘rightsizing’, maaaring buwagin o kaya pag-isahin ang mga ahensya ng pamahalaan para mas maging epektibo at makatipid ang gobyerno.
Sinabi ni Pimentel na hindi naman kailangan ng batas para pag-aralan ng DBM ang ‘rightsizing’.
Sa pagdinig ng budget sa Senado, sinabi kasi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na hinihintay pa nila na magawa ang batas ukol sa rightsizing ng pamahalaan.
Ayon pa kay Pangandaman, kailangan nila ng isang taon para aralin ang batas.
Subalit para kay Pimentel, dapat simulan na ng DBM ang pag-aaral sa rightsizing dahil ang gagawing batas ay hindi makatwiran dahil ibibigay naman sa pangulo ang kapangyarihan.