Advertisers
Ni WALLY PERALTA
FEELING nasa cloud 9 ang byuti ni Barbie Forteza dahil sa mga positibong komentong natanggap sa serye nila nina Dennis Trillo at Julie Anne San Jose, ang “Maria Clara at Ibarra”, bukod pa sa napakataas ng ratings nito kumpara sa mga kapanabayan sa primetime nitong first week airing ng serye.
Sa tatlong nabanggit na bida ay si Barbie ang may kakaibang karakter dahil sa siya ang time traveller sa panahon nina Ibarra at Maria Clara base sa nobela ni Dr. Jose Rizal na ‘Noli Me Tangere’. Dahil iba ang galawan ng kanyang akting marami ang nakapuna rito.
Isa na nga ay ang direktor ng biggest blockbuster movie of 2022, ang ‘Maid In Malakanyang”, isang biopic movie and based to true to life story of the Marcoses way back early 80’s.
“Nagulat ako kay Barbie Forteza, she’s effective sa kanyang karakter sa ‘Maria Clara at Ibarra’.
Dalawang shows pa lang ang talagang wala akong pinalagpas na episode sa GMA7. ang ‘Ghost Fightero at ang ‘Starla and the Jewel Riders’. Matapos kong mapanood ang unang episode ‘Maria Clara at Ibarra’, ito na ang pangatlo kong susubaybayan.
Hindi nakakabato. Hindi pilit ang lipad ng istorya. Hindi kailangan ng hype, maganda talaga,” say ni Direk Darryl Yap.
At sa mga positibong komentong natatanggap ni Barbie mula sa mga manonood ng kanilang serye,
“Bilang isang artista, it’s really so fulfilling to know that viewers appreciate your work..
My goal is really to make the character of Klay engaging and endearing and they say na-achieve ko naman daw yun so, nakakatuwa talaga,” say naman ni Barbie.
***
PAGKATAPOS halos ng ilang pelikulang ginawa sa Vivamax ay bidang-bida na rin sa wakas si Angela Morena, sa pelikulang ‘Tubero’, directed by Topel Lee and co-produced with APT Entertainment, streaming start on Oct. 21 in all Vivamax apps.
Papel ng isang writer and college professor ang ginampanan ni Angela na may karelasyon na ginampanan naman ng baguhang Viva hunk na si JC Tan, na hindi ginaganahan sa kanya pagdating sa pakikipagtalik.
Dahil sa sobrang pagmamahal ay nagpaturo si Angela kung paano maging sexually satisfied sa isang tubero na ginampanan naman ni Vince Rillon.
“Feel na feel ko yung character ko kasi writer siya and professor pa. Feel ko rin yung pagiging vulnerable ni Paula na pagdating sa love, ibibigay ang lahat,” say ni Angela.
Sa totoong buhay kaya rin ba ni Angela na magpaturo ng pakikipagtalik sa ibang lalake kahit may karelasyon na siya?
“Hindi ko kayang gawin yung ginawa ni Paula na just to save yourself with your partner, makikipag-sex ka sa iba. Dito, parang nangaliwa na rin ako noon.
Para sa akin dapat 100 percent na open kayo ng partner mo. May trust kayo sa isa’t isa para maging more satisfying ang relationship nyo in bed,” dagdag na say ni Angela.