Advertisers
PERSONAL na binisita at kinumusta ni DILG Secretary Benhur Abalos si dating Sen Leila de Lima sa PNP Custodial Center sa loob ng Camp Crame matapos na i-hostage ng tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group sa pangunguna ni Idang Susukan nitong Linggo.
Sa panayam kay Sec. Abalos sa Camp Crame sinabi niya na batay sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bibigyan o ililipat si de lima ng ibang facility para mas maging ligtas ito.
Gaya ng facilities na ginamit noon nina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada.
Subalit ayon kay Abalos tumanggi si De Lima at pinili nito na manatili sa kaniyang facility.
Una rito, sinaksak ng isang preso ang isang pulis na guwardiya at tumakas kasama ang dalawa pang iba.
Subalit agad naman na-neutralized ang dalawa sa tatlong escapees ng sniper guards habang papatakas.
Ayon kay Sec. Abalos habang ang pangatlong preso dumaan sa isang alley malapit sa lugar kung saan ang detention facility ni Sen. De Lima pumasok ito at hinostage ang senadora.
Dito tinalian si De Lima piniringan sa mata at nag-demand ng kung anu-ano gaya ng helicopter at iba pa.
Sa isinagawang negosasyon ni Col. Mark Pespes nakitaan nito ng magandang oportunidad para ineutralize ang preso at nabaril nito sa ulo.
Ligtas at nasa maayos na kondisyon si De Lima pero bakas sa itsura nito na na-trauma sa insidente.