Advertisers

Advertisers

EX-SEN. DE LIMA SUGATAN SA HOSTAGE NG SAYYAF!

0 190

Advertisers

TATLONG miyembro ng teroritang Abu Sayyaf Group na nasa ilalim ng ‘persons under police custody’ (PUPCs) ang nagawang i-hostage si dating Senador Leila de Lima nitong Linggo ng umaga at humirit ng helikopter para sa kanilang pagtakas sa bilangguan, sabi ni Interior Secretary Benhur Abalos.

Ang tatlong PUPCs ay kinilalang sina Arnel Cabintoy, Idang Susukan, at Feliciano Sulayao Jr., mga miyembro ng Abu Sayyaf Group, sabi ni Philippine National Police (PNP) chief, General Rodolfo Azurin Jr.

“Gusto kong iklaro sa mga nakikinig ngayon, itong tatlong ito ang target nila ay tumakas… Na-hostage si Senator. Tinalian at piniringan ang mata. Humihingi ng kung ano-ano, ng hammer, ng helikopter, etcetera,” sabi ni Abalos sa media sa Camp Crame sa Quezon City.



Sinabi ni Azurin na ang insidente ay nangyari 6:30 ng umaga sa PNP Custodial Center sa loob ng Camp Crame.

Sabi ni Azurin, ang naka-duty na pulis, Corporal Roger Agustin, ay nagde-deliver ng pagkain sa PUPCs ng oras na iyon nang mangyari ang insidente.

Sa ganitong oras, sabi ni Azurin, ang mga PUPC ay pinapayagan lumabas para magpa-araw. Si Agustin ay sinaksak ng improvised knife ng naturang tatlong bilanggo.

Si Sulayao ang tumakbo papasok sa custodial cell ni De Lima at hinostage ang dating mambabatas, saad ng PNP sa kanilang statement.

Ang tatlong bilanggo ay nahaharap sa mga kasong murder, frustrated murder, kidnapping at illegal detention.



Napatay ng mga guwardiyang pulis sina Cabintoy at Susukan, habang sugatan si Sulayao.

Sa hiwalay na statement, sinabi ng Office of the Press Secretary, inatasan ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr. ang PNP na siguraduhing wala nang mangyayaring ganitong insidente sa mga bilangguan.

Kakausapin din ni Pangulong Marcos Jr. si De Lima kung saan niya gusto lumipat na bilangguan.

Si De Lima ay limang taon nang nakapiit sa PNP Custodial facility matapos akusahang sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa National Bilibid Prison nang mahalal na pangulo si Rody Duterte noong 2016.

Si De Lima, dati ring Justice Secretary ng Aquino (Noynoy) administration at Commission on Human Rights chairman, ay mahigpit na kritiko ni Duterte sa “Davao Death Squad” noong alkalde pa ng Davao City ang dating pangulo.

Samantala, iniutos narin ni Azurin ang pagsagawa ng malalimang imbestigasyon sa insidente.

Ininspekyon narin ni Sec. Abalos ang PNP Custodial Center at kinausap si De Lima.