Advertisers
ILOCOS SUR – Isa nang malamig na bangkay nang matagpuan sa loob ng kanyang bahay ang municipal assessor ng bayan ng Suyo, Ilocos Sur nitong Sabado ng umaga (Oktubre 8).
Kinilala ng Suyo Municipal Police Station ang biktima na si Marciano Sacla, 58 anyos, walang asawa.
Nabatid na pinuntahan ang biktima ng isang Jonathan Caoayan, 25, walang asawa, residente ng Brgy. Apaya, Alilem, Ilocos Sur para sunduin dahil pupunta sila ng Baguio.
Pagdating sa bahay ng biktima, wala umanong sumasagot sa katok sa pinto ni Caoayan. Kaya nagpunta siya ng backdoor at doon pumasok, kungsaan nakita niyang nakabulagta ang biktima.
Sa medico legal report, ang cause of death ng biktima ay ‘Acute Myocardial infarction’.