Advertisers
UMAKYAT na sa P7 milyon ang pabuya para sa ikadarakip ng mga pumaslang sa brodkaster na si Percival Mabasa alyas “Percy Lapid”.
Ito ay matapos nag-alok si House Speaker Martin Romualdez nitong Linggo ng P5-million reward para sa sinumang may impormasyon na hahantong sa mga pumatay kay Lapid.
Sa isang pahayag, sinabi ni Romualdez na ang pera ay mula sa mga personal na kontribusyon ng ilang mga kinatawan ng Kamara.
“We in the House view with concern the killing of Percy Mabasa,” ayon kay Romualdez, gamit ang tunay na apelyido ni Lapid. “The perpetrators and the masterminds behind this dastardly act must be brought to justice at all costs. Violence has no place in a civilized society like ours.”
Si Lapid, host ng online broadcast program na “Percy Lapid Fire” sa DWBL 1242 ay binaril sa Barangay Talon Dos, Las Piñas noong gabi ng Biyernes, Oktubre 3.
Una nang nag-alok ng P1 milyon si Atty. Alex Lopez, P500,000 kay DILG Sec. Benjur Abalos, at P500,000 sa ‘di nagpakilalang indibidwal na nagsabi sa PNP.