Advertisers
Umanib at nanumpa na sa pagiging miyembro ng oldest political party na Nacionalista Party si Quezon City District 1 Representative Arjo Atayde sa harap ni Ilocos Norte District 1 Rep. Sandro Marcos na tumatayong House Senior Deputy Majority Leader at miyembro rin ng NP. Dumalo sa oath taking ang mga magulang ni Arjo na sina businessman Art Atayde at ang premyadang aktres na si Sylvia Sanchez gayundin ang mga kapuwa NP na sina Senator Mark Villar at Deputy Speaker Camille Villar-Genuino; kung saan ay nakapaghain na ng 26 panukalang batas mula nang maupo sa Konseho si Atayde.
Ang NP ang pinakamatagal na political party sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya na ito rin ang pangunahing political party sa administrasyon nina Pangulong Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña (1935-1946), Pangulong Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia (1953-1961), at Pangulong Ferdinand Marcos Sr. (1965-1972).
Kumandidato si Atayde bilang independent sa nakaraang eleksyon noong Mayo sa suporta ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at landslide ang naging panalo nito sa congressional race sa QCD1 na 66.85% ang nakuha niyang boto.