Advertisers
BAY, Laguna – Naaresto ang lalaking bumaril-patay sa kanyang live-in partner sa Mabalacat, Pampanga noong Miyerkules.
Kinilala ang biktima na si Leni Fajardo Nakamura, 52 anyos.
Ang salarin ay kinilalang si Ramy Dago, 47, tubong Janiway, Iloilo na naaresto ng mga tauhan ng Bay, Laguna Police at Mabalacat, Pampanga PNP sa bahay ng kapatid nito sa Barangay Dau Huwebes ng hapon.
Ayon sa PRO 4A -Calabarzon PNP, natunton nila si Dago na nagtatago sa bahay ng kapatid pero nakumbinsi nila ang huli na isuko ito.
Inamin din ni Dago ang nagawang krimen. Nabaril aniya ang kanyang ka-live-in dahil sa selos.
Si Nakamura ay kararating lang mula Japan nitong Setyembre.