Advertisers

Advertisers

6-anyos bata napingas ang ilong sa kagat ng askal

0 214

Advertisers

NAPINGAS ang ilong ng isang 6-anyos na bata nang kagatin ng aso ng kanilang kapitbahay sa Dinalupihan, Bataan.

Ayon sa ulat, naglalakad ang bata patungo sa isang tindahan nang atakehin ng aso at kinagat ang ilong nito.

Sinasabing apat na tao na ang nakagat ng nasabing aso sa komumidad.



Inaalam pa ng kapitan ng Barangay Pentor na si Amado Nuguid kung sino ang nagmamay-ari ng naturang aso na pagala-gala sa komunidad.

Sinabi ng opisyal na malamang na walang umako na may-ari ng aso dahil sa dami nang nakagat ng hayop.

Ang huling biktima na bata ay naturukan na ng anti-rabies pero kailangan paring dalhin sa mas malaking ospital para gamutin ang napingas nitong ilong.