Advertisers

Advertisers

Mayor Along dumalo sa follow-up meeting ng traditional birth attendants sa Caloocan

0 206

Advertisers

Ipinahayag ni Caloocan Mayor Along Malapitan na patuloy na ipinapatupad ng Pamahalaang Lungsod ang City Ordinance no. 0642 s. 2016, na nagbabawal sa mga home birth sa territorial jurisdiction ng Caloocan.

Kaugnay nito, tiniyak ni Mayor Along sa mga tradisyunal na birth attendant, na kilala rin bilang “hilots,” na layunin ng kanyang administrasyon na magbigay ng alternatibong pagkakakitaan para sa kanila.

“Mahigpit pa rin pong ipinagbabawal ang home births sa ating lungsod. Batid natin na kabuhayan niyo po ito, kaya’t sinisikap ng ating administrasyon na makapaglaan ng panibagong mga oportunidad o pagkakakitaan para sa inyo,” wika ni Malapitan.



“Maaari po kayong mag-enroll sa ating Caloocan City Manpower Training Center para matuto po kayo ng bagong skills o malinang pa ang inyong kaalaman. Sa ngayon, sisikapin po ng pamahalaan na magbigay pansamantala ng livelihood package na inyong pagkukunan ng kabuhayan,” dagdag pa ni Along.

Dumalo rin sa pulong ang mga tagapangulo ng iba’t ibang Barangay sa lungsod, mga kinatawan mula sa City Health Department (CHD) at CHD Officer-in-charge Dra. Evelyn Cuevas na bumalangkas ng updated implementing rules and regulations (IRR) ng nasabing ordinansa.(BR)