Advertisers

Advertisers

Pulis sa P6.7-billion drug bust ‘best cop’ ng PNP-DEG

0 218

Advertisers

ANG pulis na nadakip sa operasyon at pagkakasamsam sa P6.7 billion halaga ng shabu nitong weekend sa Tondo, Manila ay minsan kinilalang “best policeman” ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP-DEG).

Si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo, Jr. ay walang anumang masamang rekord nang bago ito maaresto nitong Sabado (Oktubre 8) ng gabi sa Manila kungsaan nakunan ito ng 2 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P13 million.

Ayon kay Brigadier General Narcisco Domingo, direktor ng PNP-DEG, si Mayo ay pumayag na isiwalat niya ang mga detalye ng drug operations.



“Napapayag na po natin siya na mag-reveal and masaya po tayong i-report sa ating Chief PNP na within today sir, we will start the interview with the suspect,” sabi ni Gen. Domingo sa mga reporter.

Sinabi ng spokesman ng PNP-DEG na ang nasamsam na droga mula sa stockroom ng isang lending company sa Tondo ay smuggled mula China base sa packaging ng droga.

Posible rin, aniya, na bahagi ito ng mga nasamsam sa mga nakaraang malalaking operasyon ng pulisya.

“Isang factor din yan na kailangan natin imbestigahan kung ito po ay galing sa past operations,” sabi ni Lt. Vincent Cortez.

Sinabi naman ni PNP Chief, Gerenal Rodolfo Azurin, na nagsasagawa na sila ng malalim na imbestigasyon kung mayroon pang PNP personnel na kasabwat ni Mayo sa sindikato sa droga.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">