Advertisers
SA kabila ng maagang paalala ng pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol sa publiko nitong Oktubre 6 na mahigpit na ipinagbabawal ang pagkain ng lahat ng uri ng shellfish sa ilang bayan sa Masbate nang magpositibo sa red tide, binalewala lamang ito ng ilan hanggang sa maospital ang 25 katao kabilang ang menor de edad nitong Lunes.
Ayon kay Dr. Allen Concepcion, City health chief ng Milagros, 10 residente ang mula sa Barangay Bangad ang dinala sa rural health center habang ang 12 iba pa ay inilipat sa Masbate Provincial Hospital.
Sinabi ni Concepcion na nakaranas ang mga residente ng pagsusuka at pananakit ng tiyan makalipas ang isang oras nang kumain ng Pinctada shell o mas kilala sa lugar na “baliad,”.
Habang nitong Sabado, Oct. 8, tatlong pasyente naman ang nilapatan ng lunas sa health center dahil sa red tide poisoning mula sa pagkain pa rin ng baliad.
Sa ngayon, nasa maayos na kondisyon ang mga biktima subali’t patuloy pa rin silang inoobserbahan simula nitong Martes.