Advertisers

Advertisers

Bulkang Bulusan itinaas sa Alert Level 1

0 160

Advertisers

ITINAAS na ang alert level sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon mula Alert Level 0 sa Alert Level 1.

Batay sa Bulusan Volcano Network, nakapagtala ng 126 volcanic earthquakes mula alas-5:00 Martes ng umaga.

Karamihan dito ay naitala sa northwestern sector at sa summit area ng Bulusan.



Na-monitor din na mayroong ground deformation, pagtaas ng carbon dioxide at amoy asupre roon.

Sa ilalim ng Alert Level 1, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Inabisuhan din ang mga lokal na pamahalaan na patuloy na maging mapagbantay.