Advertisers
APAT katao ang nasawi at 47 ang sugatan sa banggaan ng dalawang sasakyan sa kahabaan ng Roman Highway sa Barangay Laon, Abucay, Bataan nitong Miyerkoles ng madaling araw.
Sa inisyal na report ni PNP Regional Director, Brigadier General Cesar Pasiwen, kinilala ang mga nasawi na sina Walter Buenaventura, driver ng Bataan Transit na may body No.144 at plate No. NAO 4054; Lester Clamor, conductor; Reynaldo Monte, driver ng oil tanker na may plakang CUU-757; at isa pang sakay nito na ‘di pa pinangalanan; habang nakaligtas si Mark Victoria, 19, kapwa ng residente ng Norzagaray, Bulacan.
Sa ulat, 2:30 ng madaling araw naganap ang aksidente kungsaan 46 ang bahagyang nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Lumitaw sa paunang imbestigasyon ni Police Major Dennis Duran na human error ang dahilan ng aksidente.
Patungo sa bahagi ng Balanga City ang oil tanker habang patungo sa bayan ng Orani, Bataan ang bus.
Patuloy na nilalapatan ng lunas sa Bataan General Hospital ang mga pasahero ng naturang bus.(Thony D.Arcenal)