Advertisers
NASAWI ang isang lola at dalawa niyang menor de edad na apo nang tumawid sa spillway at anurin ng baha sa Misamis Occidental.
Sinabi ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office na kasama ng mga biktima noon ang kanilang lolo nang mangyari ang insidente.
Nagawang makaligtas ng lolo pero hindi pinalad ang kaniyang asawa at mga apo nila na edad pito at anim na taon.
Ayon sa PDRRMO, nagkaroon ng pagbaha dahil sa localized thunderstorms.