Advertisers
PATAY ang isang high school principal nang pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa Polangui, Albay.
Kinilala ang biktima na si Dr. Beverly Cabaltera, 52 anyos, may asawa, residente ng Barangay Napo, Polangui, at principal ng Pio Duran National High School sa Bayan Pioduran, Albay.
Ayon sa ulat, 3:00 ng madaling araw nitong Martes nang pasukin ng dalawang salarin ang bahay ni Cabaltera at nabigla ang mga ito nang makita ang biktima sa sala kaya ito binaril.
Isinugod ang biktima sa Polangui RHU pero idineklara itong dead on arrival (DOA) dahil sa tama ng bala sa leeg.
Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang basyo ng bala.
Pagnanakaw ang tiniting-nang anggulo sa krimen.
Kinondena ng Department of Education Bicol ang nangyaring insidente at nanawagan sa pulisya para sa agaran at masusing imbestigayon upang mabigyan hustisya ang pagkamatay ng principal.