Advertisers

Advertisers

Senior HS student nakuhanan ng P1.3m marijuana

0 176

Advertisers

DINAKIP ang isang senior high school student sa buy bust operation ng PDEA at pulisya sa Purok 3, Sitio Habana, Barangay Catigan, Toril District, Davao city nitong Martes.

Sa ulat, aabot sa P1.3 milyon na marijuana ang nakuha sa binatilyo, na numero uno sa drug watchlist sa Davao Region.

Kinilala ang nadakip na si Prince Ian Sambalud, 18 anyos, estudyante at residente ng NHA Village Buhangin, Davao City.



Naging matagumpay ang operasyon nang nakigpag transaksyon ang suspek sa operatiba at nabilhan ng marijuana sa halagang P5,000. Maliban dito, nakuhaan din ang binatilyo ng 11 bricks ng marijuana na may timbang na 11.37 kilos.