Advertisers

Advertisers

Titser wanted sa rape, tiklo

0 512

Advertisers

DINAKIP ang isang titser na wanted sa kasong ‘rape’ sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Kinilala ang titser na si Mark Matthew Calimlim, 29 anyos, guro ng Colegio de San Gabriel Archangel, at residente ng Meteo Gate Subdivision, Barangay Sapang Palay proper, CSJDM, Bulacan.

Ayon kay Lt Col Ronaldo Lumactod, hepe ng San Jose Del Monte Police Station, 12:50 ng tanghali nang madakip ng pinagsanib na mga elemento ng San Jose Ds Monte Police, 2nd PMFC Bulacan PPO, 301st MC RMFB 3, at 3rd SOU Maritime Group ang guro sa Brgy. Bagong Buhay 1, CSJDM.



Inaresto si Calimlim sa bisa ng warrant of arrest sa kasong “Lascivious Conduct under Sec. 5(B) ng RA 7610” na may piyansang P200,000.00 at “Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 (4(A),4(D) of RA 9995)” na may piyansang P42,000.00 bawat isa na ipinalabas ni Judge Ma Cristina Geronimo Juanson ng RTC Branch 5-FC CSJDM noong October 5, 2022.

Nabatid na tinakot ng titser ang isa sa kanyang mga estudyante na ibabagsak sa klase kung hindi ito papayag sa kanyang gusto.

Dahil sa takot ng biktima, napilitanng makipagkita sa titser at dinala ito sa isang bakante lote sa moldex subd. sa Brgy. Sapang Palay proper kungsaan hinalay at kinunan ng video nang hindi alam ng biktima.

Noong Sept. 2021, muling naulit ang pag-rape ng titser sa biktima nang dalhin ito sa Forever Rose Hotel at utusan ang biktima na ipadala ang mga kuhang litrato nito.

Napilitan ang biktima na ipagtapat ang pangyayari sa kanyang mga magulamg dahilan upang ipagharap ng reklamo ang stitser. At nang matunugan nito ang paghaharap ng reklamo, nagtago ito hanggang sa madakip ng mga otoridad.



Nasa kustodiya ng San Jose Del Monte Police Station ang titser. (Mark Obleada)