Advertisers

Advertisers

2 patay kay ‘Maymay’ sa Cagayan

0 196

Advertisers

DALAWA katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyong “Maymay” sa lalawigan ng Cagayan nitong Martes.

Sinabi ni Ruellie Rapsing, hepe ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMO), na ang dalawang nasawi ay mga mangingisda mula sa mga bayan ng Sta. Ana at Buguey.

Inihayag ni Rapsing na maagang pumalaot ang dalawang mangingisda nitong Martes, sa kabila ng ipinalabas na gale warning dahil sa banta ni “Maymay” nitong Lunes.



“The body of the fisherman from Buguey was found near his capsized boat. The other fisherman from Sta. Ana, his body was found in Gonzaga town,” pahayag ni Rapsing.

Inihayag naman ng NDRRMCna may kabuuang 7,069 indibidwal mula sa 1,857 pamilya ang apektado ni “Maymay” sa 34 barangay na karamihan ay nasa Cagayan Valley Region at Central Luzon.(Rey Velasco)