Advertisers

Advertisers

5 todas sa anti-drug ops sa Sultan Kudarat

0 195

Advertisers

TODAS ang lima katao na nasa listahan ng ‘high value target’ nang manlaban umano sa anti-drug operation ng pulisya nitong Miyerkules sa Lambayong, Sultan Kudarat.

Kinilala ang isa sa mga napatay na si Adhen Salbo, habang inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng apat at tinugis ang kapatid ni Adhen na si Loy na mabilis na nakatakas.

Sa report ng Lambayong Municipal Police Station, 5:04 ng hapon naganap ang engkuwentro sa Sitio Mahayag, Brgy. Pimbalayan, Lambayong.



Ayon kay Sultan Kudarat Police Provincial Director, Colonel Christopher Bermudez, ipinatupad nila ang search warrant laban sa magkapatid na Salbo na sangkot sa illegal drug trade at pag-iingat ng mga matataas na uri ng armas.

Magkatuwang sa operasyon ang Lambayong MPS, PDEA12, SKPDEU, 1ST SKPMFC, RSOG, RID, 1202nd RMFB12, SK HPT, 43RD SAC PNP SAF at 14MICO.

Pagdating sa lugar, agad silang sinalubong ng mga putok ng baril ng mga suspek kaya nangyari ang engkuwentro.

Tinamaan ang limang suspek na agad nasawi, habang sugatan si Loy pero nagawang makatakas.

Narekober ng mga operatiba sa lugar ng engkuwentro ang higit 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P325,000.00.



Nakuha rin sa bahay ng mga suspek ang isang Colt M16 A1rifle, isang12 gauge shotgun, isang Colt caliber 45 pistol (842081), isang 1911 A1 caliber .45 pistol (593357), isang (1) HM Ingram, mga bala at mga basyo ng bala.

Ang mga bangkay ng mga suspek ay nakalagak sa Sultan Kudarat Provincial Hospital.