Advertisers
NAGBABALA ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections na hindi na tatanggapin ang mga hindi kuwalipikado.
Babala ni Comelec Chairman George Garcia, tatanggihan na nila ang mga certificate of candidacy ng mga kandidatong hindi pasok sa kwalipikasyon na kanilang tatakbuhan.
Noong mga nakaraang halalan, aminado si Garcia na mistulang ministerial lamang ang kanilang papel kungsaan kahit kitang-kita na hindi kwalipikado ang isang kandidato ay kailangan nilang tanggapin ang aplikasyon nito.
Paliwanag ni Garcia, ito ay nagresulta ng libu-libong kaso na mismong Comelec din naman ang naabala.
Aniya, sa pagsisimula ng paghahain ng COC para sa BSKE sa Oktubre 2023 ay hindi na nila tatanggapin ang mga kandidato na hindi pasok sa requirements ng Comelec. (Jocelyn Domenden)