Advertisers
INANUNSYO ng independent pandemic monitor na OCTA Research Group nitong Huwebes na pitong mga probinsiya sa bansa ang nasa “very high” COVID-19 positivity rate o ang porsyento ng mga nagpopositibo sa virus mula sa mga nasuring indibidwal.
Sinabi ni OCTA fellow Guido David, ang pitong mga probinsiya na ito ay ang Camarines Sur – 46.2%, Cavite – 22.6%, Laguna – 22.2%, Rizal – 21.2%, South Cotabato – 26.2%, Tarlac – 51.8% at Zambales – 33.6%
Sa kabilang banda naman ang positivity rate sa Metro Manila ay naobserbahang bumaba sa 15% base sa data noong October 11 mula sa naitalang 17.9% noong Oktubre 8.