Advertisers
NASAWI ang 23-anyos na babae nang pagsasaksakin ng kanyang live-in partner matapos mahuli na may lalaking ka-video call nitong Miyerkules sa Upi, Maguindanao.
Kinilala ang biktima na si Antonnete Angkao Indong, habang nadakip naman ang salarin niyang ka-live-in na si Edward Questo Gumban, 29, kapwa nakatira sa Abad Street, Brgy Nuro, Upi.
Ayon sa hepe ng Upi Police Station na si Major Dareen Tolosa, 9:00 ng umaga naganap ang krimen sa loob ng bahay ng mag-live-in.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na naabutan ni Gumban sa kanilang bahay ang biktima na may ibang lalaking ka-video call sa cellphone. Nagdilim ang paningin ng lalaki, kumuha ng kutsilyo at pinagsasaksak ang partner.
Sumuko ang salarin sa pulisya.