Advertisers

Advertisers

PULIS TINADTAD NG BALA, ISINILID SA COMPARTMENT NG KOTSE!

0 210

Advertisers

NATAGPUANG tadtad ng bala sa katawan at itinago sa compartment ng sasakyan ang isang pulis sa Barangay Cali, Dingras, Ilocos Norte nitong Huwebes (Oktubre 13).

Ang biktima ay kinilalang si Staff Sgt. Jackson Raymundo, 36 anyos, ng Barangay Puttao, Solsona, Ilocos Norte at nakatalaga sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, isang babae ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya sa pamamagitan ng Facebook Messenger 2:40 ng madaling-araw tungkol sa isang pulis na binaril.



Natunton ng pulisya ang babae at nakita ang sasakyan ni Raymundo na nasa gitna ng palayan.
Tadtad ng butas mula sa bala ang windshield at hood ng sasakyan.

Nadiskubre ang katawan ng pulis sa loob ng compartment ng sasakyan. Hubad ang kalahati ng katawan, naliligo sa kanyang dugo at may mga tama ng bala .

Ayon sa babae, nakasuot ng bonnet ang mga bumaril kay Raymundo.

Sa kabila nito, kabilang ang babae sa “person of interest” dahil siya ang nag-report sa mga pulis ng insidente at siya ang huling kasama ng biktima.

Anggulong love triangle ang isa sa mga tinitingnang dahilan ng pagpatay kay Raymundo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">