Advertisers

Advertisers

Traffic enforcer napagkamalang carnapper, patay sa pamamaril ng Pulis-Maynila

0 258

Advertisers

NASAWI sa pamamaril ang isang traffic enforcer sa Quezon City nang mapagkamalang carnapper ng isang pulis nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa salaysay ng kasama ng biktima, tinatahak nila ang EDSA sa gawi ng Roosevelt sakay ng kani-kanilang motorsiklo nang masira ang kaniyang motor.

“Huminto pa kami doon sa gitna kasi may mga trak, tapos tinulak namin hanggang doon sa may gilid. Sabi ko, ‘Tol, wait lang,'” salaysay ni Paul (hindi tunay na pangalan)



Habang inaayos ang motor ay may isang lalaking lumapit at binaril ang biktimang kinilalang si Edgar Fulero.

Kahit may tama ng bala ay nagawa pa ni Fulero na mapatakbo ang motorsiklo niya at nag-counterflow sa EDSA para puntahan ang mga nakapuwestong pulis sa tabi ng Muñoz Market. Pero bago pa ito umabot sa mga pulis ay natumba na ang biktima.

Naiwan naman si Paul kasama ang salarin. Ayon sa kaniya, pinadapa siya ng salarin at tinutukan ng baril.

“Sabi niya lang, ‘Mga carnapper kayo.’ Sabi ko naman, ‘Hindi carnap ‘yan, sir. Kahit tignan niyo pa gamit ko.’ Pinakita ko sa kaniya ‘yung license ko at registration ng motor ko,” kuwento ni Paul.

Lumapit pa raw ang salarin sa mga pulis sa lugar at nagpakilalang isa ring pulis.



Nakilala ang salarin na si Lieutenant Felixberto Tikil Rapana, miyembro ng Anti-Carnapping Unit ng Manila Police District (MPD).

Ayon kay Paul, hindi nila alam na pulis ang salarin dahil hindi ito nakasuot ng uniporme. “Nagpakilala lang siya doon sa mga tao doon na pulis siya.”

Ayon naman sa mga imbestigador, nasa kustodiya na ng Masambong Police Station ang salarin, ngunit wala ito roon ng puntahan ng mga reporter para sakana kapanaymin.- Mula sa GMA News