Advertisers

Advertisers

Bgy. kapitan natagpuan patay sa loob ng sasakyan

0 213

Advertisers

TUAO, CAGAYAN – Natagpuang walang buhay sa kanyang sasakyan ang isang barangay kapitan na kasalukuyang ex-officio member ng Sangguniang Bayan dito.

Kinilala ang biktima na si Edgar Sedano, 52 anyos, kapitan ng Barangay Fugu, Tuao.

Natagpuan si Sedano na walang buhay sa loob ng kanyang kulay puting service vehicle na may plakang BDS-270 bandang 10:30 ng umaga.



Nakaparada ang sasakyan ng opisyal sa tabi ng Central Elementary School sa Barangay Centro 1 dito.

Unang nag-report sa pulisya sa nangyari kay Sedano ang barangay secretary ng Fugu.

Ayon sa imbestigasyon, umaga ng Oktubre 12 nang umalis si Sedano. Nagpaalam itong may dadaluhang importanteng aktibidad. Mula noong araw na iyon hindi na ito nakauwi ng kanilang bahay.

Blangko pa ang pulisya sa pagkamatay nito. (Rey Velasco)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">