Advertisers

Advertisers

JUSTICE SEC. REMULLA WALANG ‘PAKI’ SA DRUG CASE NG ANAK

0 223

Advertisers

“HINDI ako makikialam sa kaso ng aking anak, hahayaan kong gumulong ang hustisya.”

Ito ang tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla matapos madakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA- Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang kanyang anak na si Juanito Jose Diaz III, ng BF Homes Parañaque, sa isang operasyon sa Las Piñas City.

Nasamsam dito ang nasa P1.3 milyong halaga ng high grade marijuana o “kush” na galing sa Estados Unidos.



Ayon sa Kalihim, hindi siya makikialam sa kasong kinakaharap ng kanyang anak. Siniseryoso niya ang kanyang tungkulin bilang ama at Secretary ng Justice, at kinakailangang harapin ng kanyang anak ang kaso. Hahayaan din aniyang gumulong ang hustisya, habang nagpasalamat naman ito sa PDEA sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Mahirap man aniya ang pinagdaraanan nila ngayon, igagalang nalang niya ang justice system sa bansa.

Patuloy niyang tutupdin ang kanyang sinumpaang pangako nang tanggapin niya ang naturang posisyon.

Nauna nang kinumpirma ni Cavite Gov. Jonvic Remulla sa kanyang Official Facebook Page na pamangkin niya si Juanito at panganay na anak na lalaki ni Sec. Boying Remulla.

Nasa Geneva, Switzerland si Sec. Remulla nang arestuhin ang kanyang anak.



Ang parcel na may tracking number CH 170089152 galing sa Estados Unidos ay kabilang sa controlled delivery operation at si Juanito ang consignee.

Kinasuhan na si Juanito ng paglabag sa illegal importation ng iligal na droga at paglabag sa Customs and Traffic Act na may katumbas na parusang habangbuhay na pagkakulong at multa na mula P500,000 hanggang P10 milyon sa Las Piñas Prosecutors’ Office.