Advertisers

Advertisers

Manila North Cemetery bukas sa Undas

0 214

Advertisers

SA kauna-unahang pagkakataon mula noong pandemya, bubuksan ang Manila North Cemetery sa mga bibisita sa Undas.

Ayon sa abiso, mananatiling bukas sa publiko ang nasabing sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.

Kailangan lamang na ang mga dadalaw ay nabakunahan na kontra COVID-19, samantala ang mga bata edad 12 anyos pababa bawal parin pumasok.



“Sa datos ng Department of Health [DOH] pati na ng vaccine namin, sila po yung pinakamababa ang rate na mababa ang bilang ng nagpabakuna. Syempre hindi naman po natin mao-observe talaga yung physical distancing natin dito, kahit open-air po tayo ay magsuot pa rin po tayo ng face masks,” sabi ni Roselle Castaneda, director ng Manila North Cemetery.

Matatandaang sarado ang naturang sementeryo kasama ang iba pang sementeryo sa bansa tuwing Undas noong 2020 at 2021 bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.

Sa kabila nito, mananatiling bawal ang pagpasok ng mga alak, patalim at armas sa loob ng sementeryo.(Jocelyn Domenden)