Advertisers

Advertisers

PBBM pinuna ang malamyang programa ng DOST

0 172

Advertisers

UMAPELA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Science and Technology (DOST) na tumulong sa paghikayat sa mga kabataan na ipursige ang pagkuha ng scientific at technological courses.

Sa kanyang pagdalo sa ika-8 taunang Balik-Scientist Program Convention sa Philippine International Convention Center (PICC) nitong Biyernes, inamin ni Pangulong Marcos Jr. na walang masyadong interes ang mga kabataan sa larangan ng siyentipiko at teknolohiya dahil sa malamyang pamamaraan ng bansa.

Dahil dito, mahalaga aniyang mas paigtingin ang programa upang makapag-produce pa ng maraming eksperto.



Muli rin namang tiniyak ng Pangulo ang kanyang solidong supor-ta sa nasabing larangan. (Vanz Fernandez)