Advertisers

Advertisers

Titser minolestiya ang estudyante

0 405

Advertisers

ARESTADO ang isang guro sa pangmomolestiya sa estudyante at pagpapakalat ng maseselang litrato ng menor de edad na biktima sa social media.

Kinilala ang guro na si Mark Matthew Paras.

Sa ulat, inaresto si Paras sa labas ng eskwelahan October 11.



Ayon sa ina ng biktima, ngayong taon lang nila nalaman ang pangmomolestiya sa kaniyang grade 11 na anak, kahit 2020 pa nagsimula ang mapait na karanasan ng biktima na 17- anyos noon.

“Hindi po pala safe ang anak ko sa eskwelahan. Alam ko protekdo ang anak ko sa loob ng eskwelahan.

Tapos siya pa po na titser. Siya pa po na alam kong mag-guide ng maganda sa anak ko, siya pa po ang bumaboy,” pahayag ng ginang.

Kuwento sa kaniya ng anak na babae, hinihila siya ng guro papunta sa sasakyan na nakaparada sa bakanteng lote ng eskwelahan para pagsamantalahan.

“Lagi po siyang sa baba nagmukmukmok. Tapos kapag umiiyak naririnig ko. Tapos po may nagsabi po sa aking isang anak, ‘mommy may laslas siya. Kako, bakit anong nangyari?’” salaysay pa ng ina ng biktima.



Nang malaman ang nangyari, agad silang nagsampa ng reklamo laban sa guro.

Ayon sa hepe ng San Jose Del Monte, Bulacan Police na si Ronaldo Lumactod Jr., nag-umpisa ang krimen nang pagbantaan ng guro ang estudyante na ibabagsak niya ito kapag hindi pumayag sa kaniyang kagustuhan.

“Ino-offer ng professor ‘yung mga indecent proposal. ‘Kapag hindi mo ako pinagbigyan ay kausapin ko mga co-teacher ko na ibabagsak ka sa bawat subject nila, at sa akin din ibabagsak kita,’” wika ni Lumactod.

“Binibidyo ni titser at ‘yun ang ginagawa niyang pang-bargain sa babae na kapag hindi mo ako pinuntahan at hindi ka nakipagkita at hindi ka nagpadala nude pictures sa akin, ipapalabas ko ito sa social media,” dagdag pa ng hepe.

Sinabi rin ng hepe na pinost ng guro ang mga maseselang larawan ng estudyante sa social media.

Gayunpaman, mariing itinanggi ng titser ang mga alegasyon. Nasa kustodiya na ng mga pulis si Paras na nahaharap sa patong-patong na kaso.