Advertisers

Advertisers

Calaocan LGU nagsagawa ng Derma mission sa 400 PDLS sa Caloocan city jail at medical mission sa Brgy. 171

0 203

Advertisers

Nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, sa pamamagitan ng Caloocan City Medical Center (CCMC), ng sabay-sabay na dermatological mission bilang pag-obserba sa “Skin Disease Prevention Week” sa Caloocan City Jail para sa humigit-kumulang 400 na taong deprived of liberty (PDLs) at regular na medical mission sa Villa Alicia sa Barangay 171 nitong Sabado, Oktubre 15.

Matatandaan, ipinahayag ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang kanyang intensyon ng isang “inclusive government” na nangangahulugan din na ang bawat taong naninirahan sa lungsod, kabilang ang mga PDL,  maaaring maka-access ng mga pangunahing serbisyo tulad ng pangangalagang pangkalusugan.



“Ang gusto natin, inklusibo ang ating pag go-gobyerno na kabahagi ang bawat mamamayan, mayaman man o mahirap, maging ang mga may kapansanan at mga nasa lansangan ay ating mapaglilingkuran,” wika ni Mayor Malapitan.

“Kaya’t sisikapin nating bigyan din ng karampatang serbisyo ang ating mga kababayan sa kulungan, lalo na kung para ito sa kalusugan at iba pang aspetong medikal,” dagdag pa ni Along.

Ayon kay CCMC Administrator Dr. Fernando Santos, nakatanggap ng libreng konsultasyon ang mga PDL sa kanilang pangkalahatang kalusugan at posibleng mga sakit sa balat tulad ng eczema, scabies at pigsa, at iba pa. Namahagi din ang departamento ng libreng gamot at pinadali ang mga pagsusuri sa laboratoryo kung kinakailangan.

“Ang atin pong mga pasyente’y sumailalim sa libreng konsultasyon, lalo na yung mga mayroong sakit sa balat o pinaghihinalaan pa lang na skin disease. Namahagi din po tayo ng libreng gamot at kung kinakailangan, may laboratory test po tayo para sa diagnosis,” wika ni Dr. Santos.

Samantala, alinsunod sa pagbibigay ng mga serbisyong mas malapit sa mga komunidad, nagsagawa rin ng medical mission ang pamahalaang lungsod sa Villa Alicia Phase 1, Barangay 171, na nagbibigay ng libreng electrocardiogram tests, fasting blood sugar (FBS) at blood typing para sa mga residente nito.



Ang nasabing mga aktibidad, tinulungan din ng mga boluntaryo mula sa Valenzuela Medical Center, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Medical Center at Barangay Health Workers.