Advertisers
ANIM na magkakamag-anak ang nasawi sa sunog sa Villa Corina Subdivision, Barangay Pasong Tamo sa Tandang Sora, Quezon City Sabado ng madaling araw, Oktubre 15.
Kinilala ang mga nasawi na sina Estelito Buenaflor, 79 anyos; Janelle Anne Mereria, 30; Alan Domingo, Obie George Domingo, 12; Jefferson Domingo, 7; at Wesley Domingo, 2.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), 12:54 ng madaling araw sumiklab ang sunog sa bahay ng mga biktima at 6:30 ng umaga na nang marekober ang lahat ng bangkay.
Ayon sa BFP, sinubukan ng mga biktima na lumabas sa nasusunog nilang bahay, batay sa lokasyon kungsaan natagpuan ang kanilang mga bangkay. Pero na-suffocate ang mga ito at nawalan ng malay bago nabagsakan ng debris.
Sinabi pa ng BFP na puro rehas na bakal ang mga bintana at wala rin nakitang fire exit ang bahay.
Ayon sa mga otoridad, walang nadamay na kapitbahay sa sunog.