Advertisers

Advertisers

CAR, Baguio City, sinalanta ng bagyong Neneng

0 292

Advertisers

Baguio City – Dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan sanhi ng bagyong “Neneng” nagdulot ito ng pagbaha at land slide sa ilan lalawigan ng Cordillera Autonomous Region (CAR).

Sa ulat na nakarating kay Philippine National Police – Cordillera Autonomous Region (PNP-CAR) Regional Director, PBrig. Gen. Mabilino Bazar, ilan sa kalsada na naapektuhan ng landslide/rock slide ay ang Abra-Bontco Road: AbraI ilocos Sur at Norte Road; Apayao – Ilocos Norte Roa; Bontoc Conongan rod; Kennon Road partikular na sa Camp 1, Tuba, Benguet; Abatan – Mabaay Road at Ampingke Road sa lalawigan ng Benguet.

Sa kabila naman ng kaganapan, agad na naging passable ang mga lasangan sa mga naapektuhan lugar dahil na rin sa mabilis na isinagawang clearing operation ng mga lokal na awtoridad.



Nakataas naman ang signal warning number 2 sa ilan lalawigan na nasasakupan ng CAR tulad ng Apayao; Northern part ng Abra, habang signal number 1 naman sa Kalinga at ilan bahagi ng Mountain Province at northern portion ng Ifugao.

Bagamat walang typhoon signal warning sa Baguio City, at lalawigan ng Benguet ay nakaranas ng pabugso-bugso na malakas na ulan dahilan para magbagsakan ang ilan puno sa ilan lansangan ng lungsod. Gayundin ang paglubog sa baha ng kilala at dinarayong strawberry farm sa La Trinidad.

Dahil naman sa direktiba ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa kay Baguio City Police Office na pinamumunuan ni PCol. Francisco Bulwayan Jr., Acting Police City Director, agad naman isinagawa ang clearing operation ng pulisya katulong ang mga tauhan ng City Hall Public Order and Safety Division (POSD) sa mga apektadong lasangan sa ilan barangay ng lungsod.

Kaugnay nito, patuloy ang naman isinagawang monitoring sa ilan flood prone area ng lungsod partikular na sa barangay ng Lower Quarry; City Camp at sa ilan mababang bahagi ng Irisan.

Wala naman naiulat na nasaktan, namatay o nawawala sa mga pangyayari dulot ng bagyo. (Almar Danguilan)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">