Advertisers

Advertisers

P7.8m marijuana binunot sa Cebu

0 161

Advertisers

TINATAYANG nasa P7.8 milyong halaga ng marijuana plant ang binunot at sinunog ng mga awtoridad nitong Sabado sa Cebu City.

Ayon kay Lt. Col. Dexter Calacar, hepe ng Cebu City Mobile Force Company, natunton nila ang taniman sa Sitio Song-on, Barangay Lusaran matapos makatanggap ng tip.

Pero walang nahuli sa operasyon dahil walang tao sa lugar.



Nasa 19,500 stalks ng marijuana ang nabunot at sinunog.

Ayon kay Calacar, hinahanap na ng mga awtoridad ang may-ari ng plantation at kung may tanim pang marijuana sa mga kalapit na lugar.