Advertisers
IPINATIGIL ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Major General Jonnel Estomo, ang isinasagawang pagpunta ng mga awtoridad sa mga bahay ng ilang journalists upang siguraduhin ang kanilang seguridad.
Isa sa mga reporter kasi ang pinuntahan ng isang police officer sa kanilang tahanan upang kamustahin ito, hindi nakasuot ng kaniyang uniporme ang nasabing pulis. Nagbigay ng takot sa nasabing reporter ang insidente.
Matatandaan na isa sa mga radio broadcaster na si Percy Lapid ang napaslang habang pauwi sa kanilang bahay. Pumalo na ngayon sa P6.5 milyon ang reward na matatanggap ng makakapagturosa kinaroroonan ng pumaslang kay Lapid.
“Panawagan ko sa mga kamag-anak ng tao: Isuko niyo na. He will be safer with the police than being out there,” ayon kay Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. tungkol sa salarin sa pagpatay kay Lapid.
Si Senador Jinggoy Estrada ay ipinatitigil din sa PNP ang pagbisita sa bahay ng reporter lalo kung hindi nakauniporme.