Advertisers
BINATIKOS ni Senador Jinggoy Estrada ang ginawang pagbisita ng mga miyembro ng Philippine National Police sa bahay ng isang miyembro ng media.
Ayon kay Estrada, dapat managot ang mga pulis dahil sa paglabag sa Data Privacy Act.
Una rito, inilahad ni JP Soriano, reporter ng GMA Network na pinuntahan siya sa kanyang bahay ng isang pulis na hindi naka-uniporme para kamustahin siya.
Giit ng senador na kung nais malaman ng kapulisan kung may banta ang isang mamamahayag, dapat nakikipag-ugnayan ang mga ito sa lokal na mga opisyal at media company na kinabibilangan nito.
Aniya pa, kung gustong alamin ng pulisya kung sinong media ang may pagbabanta sa kanilang buhay, dapat unahin nilang puntahan ang organisasyon nito.
Bunsod nito, tinawag ng senador na istupidong hakbang ang ginawa ng hanay ng PNP. (Mylene Alfonso)