Advertisers

Advertisers

Retired police todas sa ambush, badigard sugatan

0 222

Advertisers

PATAY ang isang retiradong pulis na ngayo’y negosyante, habang sugatan ang isa sa kanyang bodyguards nang tambangan ng riding-in-tandem Huwebes ng gabi, may 6-kilometro ang layo sa Zamboanga City proper.

Ayon kay Police Major Albin Cabayacruz, Station 5 commander ng Zamboanga Police, ang napaslang ay kinilalang si Alvin Perez, 49, retired policeman at contractor; habang ang nasugatang bodyguard nito ay kinilalang si Danny Boy Bellesa.

Ayon kay Cabayacruz, nagmamaneho si Perez ng kanyang sports utility vehicle (SUV) car kasama ang dalawang escorts na pasahero nito, at pauwi na may ilang metro na lamang sa kanyang bahay nang atakihin ng mga salarin 6:56 ng gabi sa Sitio Lumiyap, Barangay Divisoria.



Lumalabas sa imbestigasyon na dalawang lalaki na armado ng assault rifle ang lulan ng kulay puting motorsiklo at bumuntot sa sasakyan ng mga biktima at nang matapatan sa kaliwang bahagi ng kotse ay pinaulanan ng bala.

Naniniwala si Cabayacruz na si Perez ang pangunahing target sa pag-atake.

Sinabi ng pulisya na tinadtad ng bala ang sasakyan, subalit si Perez, na halos tumama sa kanya lahat ang bala ay nagawa pang maitabi sa daan ang sasakyan nito.

Ayon pa sa pulisya, ang isa pang bodyguard ni Perez na si Regie Mendoza Bartolome na ligtas sa insidente ay nagawang makaganti ng putok sa mga riding in tandem na mabilis na tumakas.

Isinugod ang mga biktima sa pinakamalapit na ospital subali’t nasawi si Perez matapos ang dalawang oras dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan, habang ang isang bodyguard nito idineklarang nasa stable condition na.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">