Advertisers

Advertisers

6 SUNDALO PATAY, 8 SUGATAN SA SUMABOG NA GULONG NG TRUCK!

0 227

Advertisers

ANIM na sundalo ang nasawi at 8 ang sugatan nang sumabog ang gulong na sinasakyan nilang military truck at bumangga sa cement mixer truck sa Uson, Masbate

Kinilala ang mga nasawi na sina Sgt. Kymko, driver ng truck; Pfc Lahoy-Lahoy, Pfc Gumba; Pfc Aragon; Pvt Rave; at Pvt Badong na pawang nakatalaga sa 2nd Infantry Battalion.

Habang ang 8 sugatang sundalo nilalapatan ng lunas sa Masbate Provincial Hospital sanhi ng mga tinamong sugat at pasa sa katawan.



Ayon kay Police SSgt Ladislao Jumao-As Jr., 10:00 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Brgy. Buenasuerte, Uson.

Sakay ang mga sundalo sa isang military truck (SAB 2067) na minamaneho ni Sgt Kymko patungo sa Brgy. Paguihaman upang maghatid ng mga supply sa isa detachment nang sumabog ang unahang kaliwang gulong ng truck, dahilan upang bumaliktad ito at bumangga sa isang cement mixer truck (CBR 1988) na nakaparada sa gilid ng kalsada.(Mark Obleada)