Advertisers

Advertisers

Guro patay, 2 pa sugatan sa vehicular accident

0 190

Advertisers

NASAWI ang isang guro at sugatan ang dalawa nitong kasama sa vehicular crash sa Matalam, Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si Haresh Dan Yusop, 32 anyos, guro at residente ng Barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato.

Ayon sa ulat, matulin ang takbo ng minamanehong kotse ni Yusop at sumagi sa center island sa Barangay Poblacion Matalam.



Hindi na nakontrol ng driver ang manobela ng kotse kaya bumangga ito sa nakaparadang 10- wheeler truck.

Binawian ng buhay si Yusop habang naisugod sa pagamutan si Shirly Ramos at isang menor de edad na sakay ng Toyota Wigo.