Advertisers
PATAY ang isang drug suspect at arestado ang dalawa pa nitong kasama, habang sugatan ang isang pulis sa drug buy-bust operation sa San Pedro City, Linggo ng madaling araw.
Kinilala ng mga pulis ang napatay na si alyas “Ulo”, at ang mga naaresto na sina Mark Gregor, alyas “Kapre”, at Roxy Solidad.
Hindi binanggit ang pangalan ng sugatang pulis para sa seguridad nito.
Sinabi ni Laguna Police Provincial Director, Colonel Randy Glenn Silvio, 12:36 ng madaling araw nang magsagawa ng anti-narcotics operation ang San Pedro City Police kungsaan naaresto ang mga suspek sa pagbebenta ng shabu.
Habang pinoproseso ng mga pulis ang imbentaryo, dumating si Ulo na hindi nito alam na mga pulis ang raiders.
Ngunit nang malaman ni Ulo, bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad kungsaan tinamaan ang pulis, gumanti naman ng putok ang mga pulis at nasapul si Ulo.