Advertisers

Advertisers

Dalagita patay sa hambalos, bangkay itinapon sa sagingan

0 184

Advertisers

NASAWI ang 16-anyos na babaeng Grade 7 student nang hampasin ng matigas na bagay sa Bukidnon.
Kinilala ang biktima na si Arlene Manyag.

Sa ulat, 7:00 ng umaga ng Linggo nang matagpuan ang bangkay ng dalagita sa isang sagingan sa Purok 3, Kulasihan sa bayan ng Lantapan.

Ayon sa report, lasog ang mukha ng biktima na halos hindi na makilala. Pinaniniwalaang hinampas ito ng matigas na bagay.



Ayon sa pulisya, nagkaroon sila ng lead sa huling nakasama ng biktima nang pahintulutan ng ina nito na buksan ang cellphone nito at dito nakita kung sino ang huling nakausap at nakasama ni Arlene.

Sa hot pursuit operation ng mga pulis, nahuli ang 22 -anyos na salarin na kinilalang Emerson Dimas maging ang sinasabing kasama nito na si Romnick Baga, 18.

Inaalam pa ng pulisya kung hinalay ang biktima matapos patayin.