Advertisers
KULONG ang dalawang guro at isang kawani ng munisipyo nang mahuli sa aktong nagbebenta ng shabu sa buy bust operation nitong Martes sa Malita, Davao Occidental.
Kinilala ang mga nadakip na sina Isabel Tango at Haren Fel Tagose, kapwa public school teacher; at drug den operator Rodrigo Rodriguez alyas Rolly, 68 anyos, empleyado ng Davao Occidental LGU at residente ng Barangay Poblacion, Malita.
Sa pinagsamang operasyon ng Malita Municipal Police at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 11, nakabili ang operatiba kay Rodriguez ng isang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P15,000.00.
Agad sinalakay ng mga operatiba ang loob ng bahay na ginawang drug den at nahuli sa akto ang dalawang guro na sumisinghot ng shabu.
Narekober rin sa lugar ang 11 gramo ng shabu na aabot sa halagang P165,000; 3 pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana; at mga drug paraphernalia.