Advertisers

Advertisers

Bilyong piso payola sa top PNP officials… PNP, GAMBLING LORDS “UNHOLY ALLIANCE” SA VICE OPS SA R4A!

0 420

Advertisers

HINDI milyon kundi bilyon bilyong piso ang umiikot na halaga ng illegal gambling business sa Region 4A, na lantarang nag-o-operate dahil sa “unholy alliance” sa pagitan ng ilang korap na opisyales ng Philippine National Police (PNP) at vice operators.

Ito ang ibinulgar sa Police Files TONITE ng isang dating pulis na naging kaanib ng CALABARZON-based vice syndicate. Aniya, binubuo ng mga opisyal and non-commissioned personnel ng PNP at mga financier ng STL-con jueteng, sakla, lotteng, pergalan (perya at sugalan) at iba pang uri ng iligal na bisyo.

Ang vice operation sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon Provinces) ay hindi mahinto-hinto dahil sa kutsabahan ng maraming police officials mula Camp Crame, PNP operating unit, tulad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at mga opisyal ng rehiyon hanggang provincial, city at town command.



Sa laki ng kinikita sa illegal business na ito, ang mga police official na natatalagang regional at provincial commander, hepe ng CIDG, at mga city at town police chief ay hirap tumanggi sa napakalaking alok na lagay ng mga vice operator kapalit ng “no raid and no arrest” para maging plantsado ang ikinasang vice business.

Ayon sa dating syndicate member na si alyas “Tonio”, mistulang sindikato na ang vice operation sa R4A dahil imbes na lusubin at hulihin ang sugalan, ang ‘di iilang kapulisan sa rehiyon ay nagsisilbi pang protektor kapalit naman ng “weekly payola” ng vice operators.

Ang estimate ng daloy ng tongpats ay ang mga sumusunod: P5 million pataas ang weekly payola na dinadala sa R4A headquarters sa Camp Vicente Lim, Laguna; at mahigit P1 million sa bawat provincial command.

Ang rehiyon ay may limang lalawigan. Ang bawat provincial director ay may sariling kolektor. Ilan rito ay sina alyas Sgt. Corpuz ng Laguna, Timmy alias Charly, Adlawan, Sgt. De Guzman alyas Digoy, at isang alyas Major Seno.

Ang mga ito ang nagtitimon sa mga lagay ng mga operator na lingguhan kung ideliver sa mga provincial commander, bukod pa ito sa tong ng collector na gagamitin ng mga sigang police official sa R4A headquarters na karay-karay din ang opisina ng regional director.



Kwento pa ni Tonio, umiiral na ang bilihan ng pwesto ng pagiging tong kolektor, “sold to the highest bidder”.

In fairness, may direktiba si RD4-A Director PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na bawal tumanggap ng lagay at may order pa ito na “One Strike Policy” sa mga PD at police chief ng mga bayan at siyudad, na ibig sabihin, ang nagpapabaya, mahuhulihan ng illegal gambling sa kanilang area of responsibilty ay sisibakin sa puwesto.

Gayunman, ang sugalan sa R4A ay parang kabute ang dami, na akala mo’y ligal dahil lantaran ang operasyon. Sinong “Poncio Pilato” ang maniniwala na walang tumatanggap ng payola sa liderato ng PNP gayong talamak ang operasyon ng STL-con jueteng at iba pang uri ng bisyo?

Sa Tanauan City, ang mga operator ng STL-con jueteng ay pinamumunuan nina alyas Ocampo – Brgy. Bagbag, Cristy – Brgy. Suplang, Kap. Ambo – Brgy. 7, Kon. Burgos, Melchor Taba, Ablao, Lito at Kon.Perez ng Brgy. Darasa at Brgy. Poblacion Proper, Kap. Mario – Brgy. Pantay na Bata, Emil, Ramil, Aldrin,Terio, Angke at Lawin ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda at Terio – operator din ng paihi at pasingaw sa Brgy. Bañadero, Rowel, Berania – Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter- Brgy.Ulango, Tano-Trapiche, Rodel- Brgy. Sambat, Ms. Donna, Ms Anabel, Ms Lilian – Brgy. Pantay na Matanda at iba pang gambling operator. Sa mga bayan ng Nasugbu -Willy Bokbok, San Pascual at Mabini- Timmy, pawang sa Batangas.

Ang perya-sugalan sa Batangas: Calamias, Lipa City-operator Nikki Bakla, Brgy. Leviste at Berinayan sa bayan ng Laurel, Batangas-operator Joebel na nag-ooperate din sa Brgy. San Lucas covered court, San Pablo City, Brgy. San Andres, Bauan-operator Leslie, Brgy. Rizal, Lipa City-operator Claire, Brgy. Cahigam, Lemery-operator Denden, Brgy. Cawongan, Padre Garcia- operator Ezzy, at Brgy. 9, Balayan-operator Janog. May karugtong… (CRIS IBON)