Advertisers

Advertisers

P12m marijuana nasamsam sa Caloocan; P10m sa Bulacan

0 215

Advertisers

TINATAYANG nasa 100 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P12 milyon ang nasamsam sa buy-bust operation ng Northern Police District (NPD) District Drug Enforcement Unit (DDEU), at Caloocan Philippine National Police (PNP) sa parking lot ng isang fastfood chain sa Barangay 8, Caloocan City.

Nadakip sa operasyon sina John Kenneth Herna at Grant Gallano Dela Cruz, kapwa residente ng Pangarap Village, North Caloocan.

Nakabalot ng packaging tape ang mga pinatuyong dahon ng marijauana na isinakay sa isang itim na rent-a-car.



Ayon kay NPD Director, Police Colonel Rogelio Penoñes Jr., karugtong ito ng naunang 56 kilos na kanilang nasabat sa kasamahan ng grupo, hanggang magpatuloy ang transasksyon na kinagat kina Herna at Dela Cruz.

Ayon kay Penores, madalas gumamit ng rent- a-car tuwing may transaksyon ang mga nadakip, kungsaan pinupuntiryang suplayan ang mga estudyante.

@@@

ARESTADO ang tatlo katao sa buy bust operation ng mga operatiba ng Bulacan PNP sa Barangay Sta. Rita, Guiguinto at Hulo sa Obando, Bulacan nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ni Police Lt. Colonel Avelino Protacio-ll at Police Major Restetuto Granil, ang mga nadakip ay kinilalang sina Eliterio Pazon, Jr. alyas Jun, 28 anyos, delivery boy; Hazel Domingo alyas Hazel, 31, online seller, kapwa ng Masagana Homes, Brgy. Sta Rita, Guiguinto; at Allan Lucero, nasa hustong edad, ng Brgy. Hulo.



Una nang nadakip ang magkaibigan sa kanilang bahay kungsaan nakumpiska ang 30 kilos, habang 53.5 kilos kay Lucero, na may kabuoang bilang na 83 bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P10.02 milyon. (Thony D. Arcenal)