Advertisers

Advertisers

Sen. Estrada nilinaw walang balak ipa-ban ang Korean telenovelas

0 163

Advertisers

NILINAW ni Senador Jinggoy Estrada na wala siyang balak na i-ban ang mga Korean telenovelas o mas kilala bilang KDramas sa bansa.

Ayon kay Estrada, nadismaya lamang kasi siya dahil mas kailangan i-promote ang mga pelikula na gawang Pinoy.

“Kaugnay sa aking pahayag kahapon sa mga foreign-made shows, my statement stems from the frustration that while we are only too eager and willing to celebrate South Korea’s entertainment industry, we have sadly allowed our own to deteriorate because of the lack of support from the moviegoing public,” paliwana ni Estrada sa isang pahayag.



Wala rin umano siyang planong maghain ng panukalang batas na magbabawal sa mga foreign-made series at pelikula sa Pilipinas.

“Wala po akong balak i-ban. That was said out of frustration. Gusto ko talaga Filipino first,” diin ni Estrada.

Hindi rin aniya tutol sa tagumpay ng Korea ngunit dapat din tangkalikin ang mga local films.

“I have nothing against South Korea’s successes in the entertainment field and admittedly, we have much to learn from them. Pero huwag naman nating kalimutan at balewalain ang trabaho, ang mga pinaghirapan at angking likha ng ating mga kapwa Pilipino,” punto ni Jinggoy.

“I wish that the zealousness of our kababayans in patronizing foreign artists can be replicated to support our homegrown talents who I strongly believe are likewise world-class,” dagdag ng senador. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">