Advertisers

Advertisers

P6.5m reward money sa kaso ni Percy Lapid, ‘di pa napag-uusapan kung kanino mapupunta

0 161

Advertisers

BINIGYANG DIIN ng Special Investigation Task Force (SITG) Lapid na wala pang napag-uusapan ang mga kinauukulan kung saan mapupunta ang reward money na itinalaga sa makakapagturo sa pumaslang sa beteranong radio commentator at columnist na si Percival Mabasa alyas “Percy Lapid”.

Ito ay matapos lumabas ang ilang usapin na ibibigay sa pamilya ng self-confessed killer na si Joel Escorial ang P6.5 million reward money para sa naturang kaso.

Sinabi ni SITG commander at Southern Police District Director, Colonel Kirby John Kraft, na sa kasalukuyan ay hindi pa nila napag-uusapan kung kanino ibibigay ang naturang pabuya dahil may sinusunod silang parameters ukol dito.



Paglilinaw niya, mismong nasa donors na ang pagpapasya kung ano ang nararapat na gawin dito lalo na’t boluntaryong inialok ang reward money na ito upang mas mapabilis ang pagtugis sa mga salarin at mastermind ng krimen.

Samantala, una rito ay sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na posibleng mapunta na lamang sa sinumang makakapagturo sa utak ng pamamaril kay Lapid ang milyun-milyong reward money matapos na kusang sumuko sa mga otoridad ang gunman.

Ang naturang reward money ay mula sa bulsa nina Interior Sec. Abalos (P500,000), Atty. Alex Lopez (P1 million), at sa grupo ni House Speaker Martin Romualdez (P5 million).