Mayor Honey, nagpasalamat sa pagkakaimbita sa C40 World Mayors Summit
Advertisers
BUONG galak na nagpasalamat si Manila Mayor Honey Lacuna pagkakaimbita sa kanyang dumalo sa C40 World Mayors Summit na kasalukuyang ginagawa Buenos Aires, Argentina, at nagpahayag na labis ang kanyang natutun sa ibang bansa pagdating sa pagtugon sa seryosong problema ng climate change at iba pa.
Si Lacuna, ay sinamahan ni who Manila second district Councilor Uno Lim bilang head ng Manila City Council’s committee on international relations, at nagsabi rin ito na ang nasabing summit ay makakatulong sa city government lalo na sa pakikipaglaban sa climate change. Kasama rin ng alkalde sina Manila Disaster Risk Reduction Management Office chief Arnel Angeles, department of public services chief Kayle Amurao at Councilor Tol Zarcal.
Nabatid din kay Lacuna na ang nasabing summit ay nakatutok din sa mahalagang papel na ginagampanan bilang nangungunang ahensya sa pagbibigay proteksyon sa kapaligiran.
Ginawa ang summit upang matamo ang mga sumusunod: mabilisang global na pagkilos sa mga nasalanta ng climate change; 24-7 carbon-free energy sa mga siyudad, programa at paglikkha ng 50 million green jobs sa 2030.
Ang C40 ay mayroong 96 na miyembrong lungsod na binibuo ng 20 percent ng global economy at kumakatawan sa one twelfth ng populasyon ng daigdig.
Ang mga mayors ng C40 cities ang siyang nangunguna sa oclimate action sa pamamagitan ng pagpapatupad ng science-based at collaborative na hakbang upang tulungan ang daigdig na malimitahan ang sobrang pag-init nito at magkapagtayo ng healthy, equitable at matatag na pamayanan.
Nakatuon din ang C40 sa paglaban sa climate change na nagtutulak upang kumilos ang mga lungsod upang mabawasan ang greenhouse gas emissions at peligrong dala ng climate change, habang pinatataas ang antas ng kalusugan ng mga tao pati na ang economic opportunities nito.
Iprinisinta ni Lacuna kay London Mayor Sadiq Khan ang isang commemorative coin at stamp na sinadyang ginawa bilang paggunita sa Manila’s 450th founding anniversary. (ANDI GARCIA)