Advertisers

Advertisers

Pulis, huli sa paggamit ng ebidensiyang motorsiklo

0 164

Advertisers

DINAKIP ng mga elemento ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang aktibong pulis sa paggamit ng  motorsiklo na ebidensiya sa kasong carnapping sa  Obando, Bulacan.   

Kinilala ang  inarestong pulis na si Patrolman Marvin Salim,  40 anyos,  Intel Operative ng Obando Municipal Police, ng  Antipolo City, Rizal.



Ayon kay Brig. General Warren Ferrer De Leon, direktor ng PNP-IMEG,  8:20 ng gabi nang dakpin ng mga operatiba ang pulis sa tapat ng  convenience store sa  Brgy. Pag-asa, Obando.

Ang motorsiklo ay isang ebidensiya base sa spot report ng Obando Municipal Police Station noong Oct. 2, 2022.

Natuklasan rin na ginagamit ni Pat. Salim ang nasabing motorsiklo na parang pag-aari na niya.

Nahaharap si Salim sa  paglabag sa R.A. 11235 of the Motorcycle Crime Prevention Act, at  administrative. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">